5 Tips Natural na paraan kung paano maging maganda at makinis ang balat

Malalake man o babae , ay gugustuhing maging maganda at makinis ang balat. Kulubot ang mukha, tigyawat, acne, magaspang na balat at iba pang problema mo sa mukha at balat. Heto ang natural na paraan  kung paano maging maganda at makinis.Dito sa artikulong ito, ibabahagi ko sa inyo ang mga sangkap para alisin ang ibat-ibang problema mo sa balat. 

 Natural na paraan kung paano maging maganda at makinis ang balat


1. Tubig

Isa sa pinakaimportante nito sa lahat upang magkaroon ng maganda at makinis na balat ay ang pag inom ng maraming tubig. Kailangan uminom ka ng 8 hanggang 10 baso ng tubig sa loob ng isang araw.
  •  Ang tubig ay malaking tulong sa ating katawan, dahil inaalis at tinatanggal nito ang toksin at lahat ng dumi sa ating katawan. Ngunit , kailangan mo ring iwasang uminom ng alak, carbonated na inumin, sobrang matamis na inumin at ibang pang nakakasira sa iyung kalusugan at katawan.
  •  Subukan mo ring kumain ng prutas, gulay, at iba pang masustansya pagkain.

2. Lemon juice

Lemon juice ay pwedeng gawing pampalinis ng balat, nakakaputi, nakakatanggal ng itim itim sa balat, piklat, at nakakakinis din ito ng balat.

Ang kalamansi ay mayaman sa cleansing enzymes na nakakatanggal dead skin cells, na nagpapanatili ng makinis at sariwa ang inyong balat.

  • Para pumuti ang dark spots at acne marks, maaari mo gamitin ang sariwang pinisil na lemon juice at ipahid ito sa buong mukha at leeg, hintayin at hayaang manatili sa hanggang 10 minuto, saka hugasan ng tubig. Maari mo itong gawin 3 beses sa loob ng isang linggo.
  • Para naman sa, malambot at makinis na balat, ihalo ang kalahati ng lemon at isang egg white. Ipahid sa mukha, hayaan hanggang 10 minuto, saka banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng 2 beses sa isang linggo.

3. Kamatis

Ang sariwang kamatis ay pinakamabisang skin toner. Ito rin ay nakakagaling ng tigyawat at nakakatanggal ng mantsa sa mukha.
  • Para maging malambot at makinis ang iyong balat, kunin ang katas ng kamatis gamit ang blender o grinder. Ipahid ito sa mukha, hayaan hanggang 10 minuto saka ito banlawan ng malinis na tubig. Pwede mo itong gawin araw araw , para maurong ang paglaki ng pores sa mukha, at magiging malambot na makinang ang kinalabasan ng iyong balat.
  • Maaari mo ring gawing gamot ang katas ng kalamansi para sa tigyawat. Ipahid mo ito sa apektadong parte ng tigyawat sa iyong mukha, at hayaan hanggang 1 oras saka ito banlawan ng malinis at maligamgam na tubig.

4. Pulot o Honey

Pulot  o honey ay isa pang natural na sangkap, na maaring mong gamitin upang makamit mo ang iyong pinapangarap na malambot at makinis na balat.
  • Ipahid ang pulot o honey sa iyong mukha at leeg, hayaan manatili sa iyong mukha hanggang 10 minuto, saka banlawan ng malamig na tubig. Ito ang simpleng lunas na nakakalambot at nakakakinis ng balat.
  • Isa pang opsyon , pwede mo ring ihalo white egg at pulot, at ipahid ito sa mukha , hayaan hanggang 20 minuto. Saka mo ito banlawan ng malamig na tubig, gumamit ka ng sabon upang mawala ang amoy na galing sa white egg.
  • Pwede ka ring gumawa ng malapot na paste, 3 kutsarita ng pulot o honey at kalahating kutsarita ng sinnamon powder. Ipahid sa mukha at hayaan ng magdamag sa iyong mukha. Sa umaga ay banlawan mo ito ng maligamgam na tubig.

5. Tea tree oil

Tea tree oil, ay mayroong antibiyotikong katangian na tumutulong labanan ang acne na dulot bakterya. Mabuti rin ito para mabawasan ang peklat at mantsa.
  • May ibang tao na mayroong allergy sa oil, kaya inirerekomenda na subukan mo munang kulsultahin sa panloob, bago mo ipahid sa iyong mukha.

9 (na) komento:

  1. Susubukan ko ito.salamat sa dagdag kaalaman.

    TumugonBurahin
  2. subukan ko din po ito thaks sa beauty info

    TumugonBurahin
  3. Sna nman poh kuminis mukha q.slamat

    TumugonBurahin
  4. Salamt po sa mga sudjects than you po

    TumugonBurahin
  5. Kilala niyo ba si DR Jones ang sabi niya nakakasira daw ng mukha ang kalamansi at lemon maaari din daw tong mag dulot ng cancer sa balat

    TumugonBurahin
  6. Pasensya napo nag biniro lang ako,, salamat po sa detalye kung pano kuminis ang mukha ang ang balat^_^

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.