4 Tips Paano alisin ang tigyawat sa mukha


Problemado kaba dahil sa tigyawat o pimples mo sa mukha at gusto mo ba itong alisin? Naranasan mo na bang minsan ay nahihiya kang makipag-usap o makikipaghalobilo sa mga malapit mong kaibigan at sa ibang taong nakapaligid sayo kaya gusto mo malaman kung paano mawala ang tigyawat? Sa kabutihang palad, pagdating sa ganyang mga problema marami tayong paraan para mawala o alisin ang mga tumutubong tigyawat o pimples sa ating mukha. Sa totoo lang hindi naman talaga madaling maghanap o makahanap ng mabisang solusyon upang alisin ang tigyawat. Lalo nat hindi natin alam ang dahilan kung bakit tinutuboan tayo ng tigyawat o pimples .Wag kang mag alala dahil ang article na ito ay naglalaman ng  ilan sa mabisang paraan para sa lahat!

1. Maghilamos ng 2 beses sa isang araw 

Pinakaimportante sa lahat kung gusto mong alisin o maiwasan ang pagkakaron ng tigyawat o pimples ay kailangang ugaliing maghilamos ng dalawang beses sa isang araw. Ang paghihilamos ng mukha ay nakakaalis ng dumi, impurities at iba pang excess oil na nabubuo sa iyong balat. Ngunit kung kaya mong maghilamos ng tatlong beses sa isang araw , sa umaga , tanghali, at sa gabi gamit ang malinis at maligamgam na tubig at pwede ka ring gumamit ng mild facial cleancer. Gumamit ka ng tuyo at malinis na tuwalya pagkatapos mong maghilamos.
          . Iwasan mong kuskusin ng matigas o magaspang na tela. Dahil ay pwedeng maging dakhilan
             ng pagkakaroon mo ng mas maraming tigyawat at pwedeng maging dahilan ng pagdami o
             paglala ng iyong tigyawat o pimples.
          . Kung maisipan mong maghilamos ng higit pa dalawa o tatlong beses sa loob ng isang araw .
              Payo ko lang sayo na hindi ito maiging gawin dahil sa pwede itong maging sanhi ng
              pagkatuyo ng iyong balat . At maaring mupangit o masira ang iyong balat.

2. Iwasang galawin O paputukin ang tigyawat o pimples

Kamay ay isa sa maduming parte ng katawan ng isang tao, dahil sa ginagawa o gawain sa araw-araw . Kaya maiging iwasan mong hawakan o paputukin ang iyong tigyawat o pimples. At para narin maiwasang kumalat ang bakterya sa iyong mukha at pwedeng lumala o tumagal ang pag alis ng mga tigyawat o pimples.

  • Ang pagpapaputok ng tigyawat o pimples . Siguro nga minsan hindi mo maiwasang paputukin ang tigyawat mo sa mukha dahil nga nanggigil ka. gusto ko lang malaman mo na hindi yan makatulong upang maalis ang tigyawat mo sa mukha , sa halip possible itong maging dahilan ng magkakaroon ka ng acne scars.
  • May pagkakataon din na hindi namamalayang hinahawakan mo na pala ang iyong mukha.
  • Iwasan mo ring isandal ang iyong mukha sa iyong kamay habang natutulog.

3. Iwasan sobrang paggamit ng skin product

Sa panahon natin ngayun marami ng nagsilabasan , ibat ibang produkto ng pagpapaganda ng balat. At dahil sa dami , hindi natin matukoy kung saan o alin nga ang pinakaepektibong produkto. Hindi naman masamang gumamit ng produkto na pampaganda , kaso hindi naman maganda sobra sobra o kung ano ano nalang ang gamiin para lang gumanda. Kasi maari itong makasama sayo, imbes na kuminis o gumanda ang balat mo, eh baka kabaliktaran ang maing resulta. 

  •  Ang pagamit ng mabibigat na produkto o chemical, dail possible itong makasira sa iyong mukha o balat.
  • Limitan mo ring sobrang eexpose ng yung balat, sa pagpapalit palit ng mga skin cares. Para maiwasan ang pakasira ng yong balat.

4. Uminom ng maraming tubig

Ang pag inom ng maraming tubig, ay maraming benepisyo para sa ating balat at sa ating katawan. Napapanatili nitong hydrated ang ating katawan, tumutulong din ito sa ating balat upang maging makinis at mapintog. Kailangang umiom ka ng tubig, lima hanggang walong basong tubig sa loob ng isang araw.

  • Ang pag inom ng tubig ay mabisang pangontra sa pagkulubot ng balat natural anti aging treatment.
  • Pinapanatiling mamasa-masa, at hindi dry ang balat, sariwa, malambot, at makinis.

9 (na) komento:

  1. Hi! I'm angelica I used BB cream in my face this past few days, since biglang nangati face ko, tas nagka butlig butlig Sya na parang rashes, I decide to stop using it. Panu Po ba gamutin Yung butlig butlig SA mukha ?

    TumugonBurahin
  2. nag kojic soap po ako, tingin ko dahil dun kaya nagka pimple ako sa mukha, isang piraso pero anlaki, mamula-mula na may nana :(

    TumugonBurahin
  3. Hello,nagamit ako ng skin magical,gusto ko sana ihinto pagka naubos kona sya.. Ano pong next na gagamitin pang maintenance?

    TumugonBurahin
  4. I almost try everything para mawala ang mga pimples ko sa mukha pero hanggang ngayon nandito parin sila. I think forever na kami HAHAHA.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hello po may mga pimples din po ako sinubukan ko ng gumamit ng baksing soda,calamansi and yello pero wala paring effect paggaling nmn na toh kaso pumepeklat eh umiitim kapag gumagaling mag waoneyear na ano po bang pwedeng gawin

      Burahin
  5. Almost one year na kami ng tagyawat ko may pag-asa pa kayang mawala ito pag sinunod ko ang 4 tips mo kung paano mawala ang tigyawat in 1 months?:<

    TumugonBurahin
  6. Ang Dami ko pong peklat na mapula at sobrang tagal na po nito sa aking mukha ano po ba magandang gawin,?

    TumugonBurahin
  7. I'm 18 years old at ginagamit ko pong sabon para sa skin ko ay PERLA. Pwede poba iyon sa mukha?

    TumugonBurahin
  8. Dpat ay gamitin nio po ay Sulfur soap Un po un para po matuyo ang iyong tigyawat pag maliligo ibabad ang mukha nga 30 mins tapos banlawan dpt malambot at malinis ang towel Sana makatulong

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.